
Ang buwan ng wika ay maituturing na nating isang tradisyon.Idinaraos ito sa buong bansa na inaabangan ng bawat mag-aaral.Kaugnay nito ang maraming kaganapan at patimpalak.Gaya na lamang ng Sabayang Pagbigkas,Balagtasan Slogan,Poster Making,Pagsasadula,Sayawit at marami pang iba.Ang tema ngayon ay "Filipino:Wika ng Karunungan"
Wikang Filipino bilang wika ng karunungan,iyan ang nais na isulong ngayon ng Sentro ng Wikang Filipino.Ang Wikang Filipino ang na gamitin sa paggawa at pagkamit ng karunungan,Mula sa ating leksyon na natutunan sa bawat pangyayari sa ating buhay sanay sa pagbabahagi natin sa mga ito gamitin natin ang ating wika upang ang lahat ng mamamayan sa Pilipinas ay makaintindi at makaunawa.
Wikang Filipino Pambansang wika ngunit,noon paman ay hindi na ginagamit ng lahat ng mamamayan sa Pilipinas ang Wikang Filipino dahil mayroong diyalekto ang bawat lungsod at maging ang bawat tribo na naririto.Marami pa rin ang nalilito at nagkakamali kung ano ang ating pambansang wika,Tagalog ba o Filipino. Karaniwan kasing sagot sa tanong na "Ano ang Pambansang Wika ng Pilipinas?ay "Tagalog".Tagalog ang mga taong naninirahan sa Maynila at Filipino ang ating Pambansang Wika.Makakamit natin ang karunungan sa pamamagitan ng ating Pambansang wika.Kung atin itong gagamitin sa maayos at marangal na paraan,sa lahat ng aspektong pamumuhay at higit sa lahat kung ang ating sasanayin ang mga sarili na magsalita o makipag diyalogo gamit ang ating wika.Ngunit dahil sa paglipas ng panahon maraming nagbago,kasabay sa pagbabagong ito ang pagbabago ng ating wika.Nahaluan na ito ng mga beking salita at napaghalo-halo na sa ating ang iba't ibang diyalekto.Sumikat rin ang pagpapaikli ng mga salita kaya minsan nahihirapan na ang iba sa pagbabasa.Hinayaan na lamang ang pagbabagong ito dahil tanggap at nakasanayan na rin naman natin ang maki-ayon sa pagbabagong ito.